Pic2 Ang mga miyembro ng prestiyosong United States Federal Bureau of Investigation National Academy Association (FBINAA) na pinangunahan ni Office of Transport Security Administrator, Undersecretary Crizaldo O. Nieves (nakaupo, 2nd mula kaliwa) kasama si US Embassy Legal Attache Courtney Corbett sa Diamond Hotel sa Maynila. ALFRED DALIZON

US embassy attache pinanumpa bagong pinuno ng FBINAA

Alfred Dalizon Mar 2, 2025
61 Views

Pic3Pic4NANUMPA sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyales ng United States Federal Bureau of Investigation National Academy Association (FBINAA) sa bansa na binubuo ng mga miyembro ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Si US Embassy Legal Attaché Courtney Corbett ang nanguna sa oathtaking ng mga bagong halal na Board of Trustees at opisyales ng FBINAA Philippine Group.

Nahalal na bagong pangulo ng FBINAA Philippine Group si Office of Transportation Security Administrator Undersecretary Crizaldo Nieves, Colonel Sandro Jay Tafalla (Vice-President); Col. Ma. Ivy Castillo (Secretary); Maria Isabel C. Santos (Treasurer); Atty. Auralyn L. Pascual (Auditor); Ma Aplasca (Business Manager); Col. Felipe Maraggun (Public Relations Officer); Atty. Ricardo A. Diaz (Chairman for Retired Members); at Atty. Reynaldo Esmeralda (Chairman for Active Members).

Dinaluhan ng mga aktibo at retiradong opisyales ng PNP at NBI at iba pang graduates ng FBINAA na kasalukuyang humahawak ng mga matataas na posisyon sa gobyerno at private sector ang oath taking.