BBM1 Nanumpa si Dr. Edwin Mercado bilang bagong presidente at Chief Executive Officer ng Philhealth kay. Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang.

US-trained ortho surgeon bagong chief ng Philhealth

Chona Yu Feb 4, 2025
13 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang US-trained orthopedic surgeon na si Dr. Edwin Mercado bilang bagong presidente at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Nanumpa na rin sa tungkulin si Mercado kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

Papalitan ni Mercado si Philhealth president at CEO Emmanuel Ledesma Jr.

Si Mercado ay vice chairman ng Mercado General Hospital/Qualimed Health Network simula noong March 2021.

Nagtapos si Mercado ng Doctor of Medicine sa University of the Philippines noong 1987 at Master of Medical Sciences in Global Health Delivery sa Harvard Medical School noong 2023.

Mayroon ding hawak na Executive Master’s in Healthcare Administration sa University of North Carolina sa Amerika si Mercado.

Naging faculty lecturer din si Mercado sa Ateneo School of Medicine and Public Health (ASMPH) on Global Supply Chain, Research Methods, and Implementation Science at naging guest lecturer sa University of the Philippines College of Public Health on Medical Processes and Programs.

Si Mercado ay isang fellow ng Dr. Chunling Lu na isang program director sa Global Health Economics and Social Change, Division of Global Health Equity, Brigham and Women’s Hospital and Department of Social Medicine and Global Health, Harvard Medical School simula noong July 2023.

Kasama rin si Mercado sa ginagawang pag-aaral sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang assistive tool para sa community health workers sa pagbibigay ng primary care.