Calendar
Valeriano aminado PH nasa state of calamity dahil sa trapiko
AMINADO ang Chairman ng House Committee Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na maituturing na nasa “state of calamity” ang Pilipinas bunsod ng malalang problema ng trapiko sa National Capitol Region (NCR) kabilang na ang metropolitan areas.
Bilang chairperson ng Committee on Metro Manila Development, sinasang-ayunan ni Valeriano ang ibinigay na obserbasyon ni Ginoong Eduardo Yap ng Management Association of the Philippine (MAP) kabilang na ang lahat ng negosyante at mga kasapi ng MSME’s sector.
“I agree that we have a Traffic Calamity, not only here in Metro Manila but also in metropolitan areas in other parts of the country. As a Manila congressman and Chair of the House Committee on Metro Manila Development. I empathize with Mr. Yap anfd the whole business community,” sabi ni Valeriano.
Ayon kay Valeriano, napakarami na ang nagtangkang ayusin o kaya ay resolbahin ang malalang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila. Subalit ang anomang inisyatuba ang inilunsad para wakasan ang matinding suliranin ng traliko ay nauwi lamang sa kabiguan sa kabila ng mga itinalagang traffics czars.
Dahil dito, inilatag ng Metro Manila solon ang mga sumusunod na mungkahi para matugunan paunti-unti ang pagsisikip ng mga lansangan dulot ng matinding trapiko. Kabilang sa kaniyang mga suggestions ay ang pagbawas sa mataas na halaga ng toll fee sa Skyway 3 para mabawasan ang mga sasakyan sa EDSA.
Ipinaliwanag ni Valeriano na maaaring mabawasan at gumaan ang daloy ng trapiko sa EDSA partikular na ang mga bus na patungong PITXT, Cavite, Laguna at Batangas kung gagamitin nilang alternative route ang Skyway 3. Subalit iginiit ng mambabatas na kailangang abot-kaya ang halaga ng toll fee.
“Skyway 3 rates now are really not affordable to the average motorists, especially given high fuel prices these days. I appeal to the Skyway 3 operators and DOTr to find ways to reduce Skyway 3 toll fees,” sabi ni Valeriano.