Valeriano

Valeriano dumepensa kay Willie Revillame sa pagtatalak nito sa kaniyang staff

Mar Rodriguez Jul 22, 2024
121 Views

𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮’𝘁-𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗶𝗸𝗼𝘀 𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗯𝗮-𝗯𝗮𝘀𝗵 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗸𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗪𝗶𝗹𝗹𝗶𝗲 𝗥𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮𝗺𝗲 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗲𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝘃𝗶𝗿𝗮𝗹 𝗸𝗮𝗺𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗶𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗹𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗮𝗳𝗳 𝘀𝗮 𝗲𝗽𝗶𝘀𝗼𝗱𝗲 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗩 𝘀𝗵𝗼𝘄 𝘀𝗮 𝗧𝗩𝟱 𝗻𝗮 “𝗪𝗶𝗹𝗹 𝘁𝗼 𝗪𝗶𝗻” dumepensa para sa nasabing TV host si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano.

Ani Valeroano hindi maaaring sisihin si Revillame kung ganoon man ang kaniyang naging pagkilos sa harap ng camera sapagkat nahihirapan din itong pagandahin at maisa-ayos ang kaniyang bagong TV show.

Ayon kay Valeriano, nauunawaan din nito ang saloobin ni Revillame na maaaring naging dahilan para ibulalas nito “on-cam” ang kaniyang hinanakit, sama ng loob o frustrations. Sapagkat posibleng nakita aniya ni Revillame ang kawalang malasakit ng staff at hindi makasunod sa mga bagay na dapat niyang gawin.

“Dapat intindihin na lamang natin so Willie kasi ang nais lamang niya ay pagandahin ang kaniyang bagong TV show. Frustrating nga naman kung nakikita niya na hindi nakakasunid sa kaniyang mga utos ang staff niya. Kaya sa halip na i-bash natin siya, unawain na lamang natin ang kaniyang kalagayan,” sabi ni Valeriano.

Dahil dito, iminumungkahi ng kongresista kay Revillame na upang mabawasan aniya ang kaniyang “stress” at sama ng loob mas makabubuti kung kukuha na lamang ito ng mahusay na floor director na may kakayahang makasunod sa mga utos at mapaganda ang nasabing bagong TV show.

Pinayuhan din ni Valeriano si Willie Revillame na ingatan ang kaniyang kalusugan dahil hindi na rin siya bumabata at posibleng lalo pang makasama sa kaniyang kalusugan kung magpapadala ang TV host sa stress at frustrations nito.

“Dapat mag-hire na lang siya ng mahusay na floor director na magiging shock absorber. Dapata ingatan ni Willie ang kaniyang kalusugan dahil hindi na rin siya bumabata. Willie should realize that at his age he should leave the stress to younger bodies,” wika pa ni Valeriano.