Calendar
Valeriano hinamon si Tumbado na patunayan ang alegasyon
HINAHAMON ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV”M. Valeriano ang whistle-blower na si Jeff Tumbado na patotohanan nito ang kaniyang alegasyon laban kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista patungkol sa isiniwalat nitong katiwalian umano sa
loob ng nasabing ahensiya.
Binigyang diin ni Valeriano na masyado aniyang mabigat ang mga binitiwang paratang ni Tumbado laban kay Bautista. Kung kaya’t nararapat lamang umano na makapaglabas siya ng ebidensiya upang patotohanan ang kaniyang algasyon laban sa naturang Kalihim.
Sinbi ni Valeriano na maituturing na isang “welcome development” ang mga tulad ni Tumbado na walang takot na inilalantad ang mga nangyayaring katiwalian sa gobyerno. Subalit iginiit ng mambababatas na ang anomang pagbubunyag ay kinakailangan mayroong kaakibat na ebidensiya.
“Magandang makapag-labas siya ng ebidensiya patungkol sa kaniyang akusasyon. Kailangan natin ng mga kagaya niyang whistle-blower na matapang na isinisiwalat ang mga mga nangyayaing katiwalian sa ating pamahalaan. Pero ito’y dapat na mayroong kaakibat na ebidensiya,” ayon kay Valeriano.
Ipinaliwanag din ni Valeriano na nakakabahala din ang binitiwang rebelasyon ni Tumbado patungkol naman sa di-umano’y dalawang hindi pinangalanang kongresista na dawit sa sinasabing nangyayaring lagayan sa loob ng LTFRB.
Ayon sa kongresista, napakahalaga na makilala o mapangalanan umano ang dalawang mambabatas upang magkaroon sila ng pagkakataon na maipagtanggol ag kanilang mga sarili laban sa mga akusasyong ipinupukol laban sa kanila.
“Sino kaya ang tinutukoy nila na taga Kongreso? Sana’y linawin ito ni Tumbado sapagat madadamay dito ang buong institusyon. Dapat silang makilala para magkaroon ng pagkakataon na madepensahan naman ng dalawang congressman ang kanilang mga sarilli kasi mayroon din naman silanf reputasyon na iniingatan,” sabi pa ni Valeriano.