Rep. Rolando M. Valeriano

Valeriano kumpiyansa malaki maitutulong ng “Tatak Pinoy” law

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
198 Views

Rep. Rolando M. ValerianoPara mga produktong gawang Pilipino 

KUMPIYANSA si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano na sa pamamagitan ng pagsasabatas ng “Tatak Pinoy” (Proudly Filipino). Inaasahan na malaki ang maitutulong nito para sa mga Pilipinong manggagawa at negosyante na gumagawa ng mga lokal na produkto o gawang Pinoy.

Ayon kay Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development at main author ng Tatak Pinoy Act, binibigyan ng mandato ang Republic Act No. 11981 para maglaan ng pondo, magkaroon ng implementasyon, pagsusuri at ang pagbubuo ng isang komprehensibong multi-year strategy.

Sinabi ni Valeriano na ang pangunahing layunin ng RA No. 11981 ay upang maitanghal o mai-promote ang mga produktong tunay na “Tatak Pilipino” sa mga lokal at international consumers. Kung saan, kasama na makikinabang dito ay ang mga taga-Maynila at ang lokal na ekonomiya.

Ipinaliwanag ni Valeriano na matagal ng programa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang implementasyon ng Tatak Pinoy Pinoy. Subalit ngayon lamang ito aniya nabibigyan ng pagkakataon sa pamamagitan ng inihain nitong panukalang batas sa Kamara de Representantes.

Ikinagalak ng Metro Manila solon na sa wakas ay nagkaroon na ng sariling batas ang “Tatak Pinoy” na inaasahang mapapasama sa taunang national budget ng DTI na nakapaloob sa General Appropriations Act (GAA) at hindi na nila kailangan pang makihati sa iba pang programa ng DTI.

“Sa tulong ng budget, Tatak Pinoy Council, multi-year strategy at mandato na makipag-ugnayan sa iba pang kinauukulang ahensiya. Mas Madali nang magagawa ng DTI na magpatupad ng mga targeted na proyekto para maisulong ang mga produkto at serbong gawang Pinoy,” sabi ni Valeriano.

Idinagdag pa ni Valeriano na na mas lalong lalago ang Micro, Small and Medium Enterprise (MSME’s) sector ng Pilipinas matapos maging ganap na batas ang Tatak Pinoy na maipagmamalaking accomplishment ng pamahalaan.