Rep, Rolando Valeriano

Valeriano, mga batang Tondo bumati ng Happy Birthday ky PBBM

Mar Rodriguez Sep 13, 2024
62 Views

𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝘀 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗥𝗲𝗽. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗗𝗼𝘀 𝗼 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗶𝗻𝗮𝗴𝘂𝗿𝗶𝗮𝗻𝗴 “𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗼𝗻𝗱𝗼” 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗘𝗵𝗲𝗸𝘂𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗸𝘂𝘁𝗮𝗻𝗴 “𝘁𝗼𝗸𝗵𝗮𝗻𝗴”.

Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development. Ipinapaabot din nila ang kanilang marubdob na pasasalamat para kay Pangulong Marcos, Jr. dahil sa tuluyang pagkawala ng dating “Tokhang” na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan libo-libong inosenteng mamamayan ang walang habas na napatay.

Pagdidiin ni Valeriano na hindi lamang takot ang naibigay nito para sa mga mamamayan kundi ang “trauma” para naman sa mga magulang na nawalan ng anak matapos itong mapatay dahil napagkamalang sangkot sa illegal na droga.

Sabi ni Valeriano na nagmistulang isang bangungot ang pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” sapagkat kahit na ang mga inosenteng sibilyan na wala naman kinalaman sa kaso ng illegal drugs ay hindi nakaligtas aniya “summary execution” na mas kilala bilang salvage na kinasasangkutan di-umano ng mga pulis.

Sinabi pa ng kongresista na nagpapasalamat sila sa Pangulong Marcos, Jr. dahil mas binigyan nito ng prayoridad ang buhay ng isang tao taliwas noong nakaraang administrasyon na trinato na parang manok ang buhay ng isang tao dahil sa pagpapatupad nito ng Oplan Tokhang.

“Maraming salamat po Pangulong Bongbong Marcos. Pinahahalagahan mo ang buhay ng isang tao. Buhay ng mga Pilipino ang prayoridad ng Marcos administration,” wika ni Valeriano.

𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆