Valeriano

Valeriano sinang-ayunan pamamahagi ng mga kumpiskadong bigas para sa mga mahihirap

Mar Rodriguez Sep 21, 2023
176 Views

Valeriano1SINANG-AYUNAN ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ang pamamahagi ng mga nakumpiska at nasamsam na bigas mula sa mga “rice smugglers” para ipamigay naman sa mga mahihirap na mamamayan.

Kinakatigan din ni Valeriano ang naging pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na dapat kasuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga rice smugglers kabilang na ang kanilang mga kasabwat sa pagpupuslit ng libo-libong bigas na illegal na ipinapasok sa Mindanao.

Nauna rito, ipinag-utos mismo ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na ipamigay na lamang sa mga mahihirap na Pilipino ang mga nasabat, nakumpiska at nasamsam na mga smuggled na bigas partikular na sa libo-libong residente ng Zamboanga peninsula at sa iba pang lalawigan.

Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na ang naging pagkilos ni Pangulong Marcos, Jr. ay nagpapakita lamang aniya na talagang seryoso ang gobyerno na sawatain ang talamak na rice smuggling sa bansa. Kasunod ng pag-pilay o pagdurog sa sundikatong nasa likod ng nasabing modus.

Sinabi ni Valeriano na bilang mga kongresista. Sila ay naninindigan kasama ng Pangulong Marcos, Jr. sa pagpuksa sa laganap na rice smuggling na lalong nagpapahitrap sa kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan. Bukod pa aniya dito ang problema ng agricultural smuggling.

Maging ang Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ay sumusuporta sa paging hakbang ng Pangulong Marcos, Jr. na ipamahagi sa mga mahihirap na mamamyan ang mga nakumpiskang bigas.

Ipinaliwanag ni Romero na hindi lamang ipinakita ng gobyerno ang paninindigan nito laban sa laganap na rice smuggling. Bagkos, natulungan pa nito ang libo-libong mamamayan na kasalukuyang “hilahod” o hirap na hirap dahil sa napaka-mahal na presyo ng bigas sa mga pamilihan.