KUNG GUSTO MAY PARAAN
Mar 4, 2025
Calendar

Motoring
Validity ng mga lisensya na mage-expire ngayong buwan pinalawig hanggang Oktobre
Jun I Legaspi
Apr 21, 2023
247
Views
PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga lisensya sa pagmamaneho na mage-expire ngayong Abril hanggang Oktobre.
“All holders of driver’s license cards expiring 24 April 2023 onwards shall no longer be required to renew their licenses until October 31, 2023 or as soon as the driver’s license cards become available for distribution to the public,” sabi ng memorandum na ipinalabas ni LTO chief Jay Art Tugade.
Ang lahat din umano ng mga penalty sa late renewal ay mawi-waive.
Ginawa ng LTO ang hakbang na ito sa gitna ng inaasahang kakapusan sa suplay ng mga plastic card na ginagamit sa paggawa ng lisensya.
Pinayagan ng LTO ang pag-imprenta ng lisensya sa papel kalakip ang official receipt.
Vivencio Dizon itinalagang bagong kalihim ng DOTR
Feb 13, 2025
Mabigat na parusa vs lasing na drayber, suportado
Jan 21, 2025
22 drayber huli ng LTO sa paggamit ng kalbong gulong
Jan 11, 2025