CLLEX

Van bumangga sa sementong bakod sa CLLEX, 5 tigok

Bernard Galang Aug 13, 2025
318 Views

CLLEX1LIMANG katao ang patay habang siyam ang sugatan matapos bumangga ang sinasakyan nilang van sa sementadong bakod sa Central Luzon Link Expressway (CLLEX) malapit sa Bgy. Balingcanawey sa Tarlac City.

Kinilala ng Tarlac City police ang limang nasawi na sina Leonel, 26; Marlon; Justin; Cristine, pawang mga residente ng Caloocan City; at Hemady Jerusa, 31, ng Bgy. San Agustin, Quezon City.

Kinilala naman ang mga nasugatan na sina Jhon Paul, 41, driver ng van, ng Bgy. Espiritu Santo Quezon City; Jessica, 22; Christian, 38; Jona; Aaron Paul, 33;
Ronie Mark, 33, ng Antipolo City; John Nestor, 23, ng Sillay, Cavite; Arron Jay Prondial, ng Novaliches, Quezon City; at isang apat na taong gulang na bata.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na binabaybay ng sasakyan ang expressway kung saan nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan at bumangga sa perimeter fence.

Isinugod ang mga biktima sa Tarlac Provincial Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ang apat sa mga pasahero habang ang pasaherong isinugod sa Jecson Medical Center ay dead on arrival din.