Talavera

Van umiwas sa nag-overtake na jeep, nahulog sa patubig sa Talavera

Steve A. Gosuico Aug 6, 2026
62 Views

Talavera1Talavera2

Talavera3
MGA LARAWAN SA ONLINE POST NI SIRMELCHOR CAMILING.

PALUDPOD, Talavera – Himalang nakaligtas sa disgrasya ang mga sakay ng isang puting van na minamaneho ng isang dayuhang Canadian citizen nang mahulog ang sasakyan sa may patubig dito nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa mga post online sa Facebook mula kay SirMelchor Camiling, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver nang umiwas itong salpukin ang isang umover-take na jeep na naging dahilan upang dumiretso ito sa makitid na tagiliran ng kalsada ay mahulog sa patubig.

Nangyari umano ang aksidente nang pauwi na ang van mula sa Aurora patungo dito sa Talavera.

Samantala, isang tricycle naman ang nadamay sa nasabing insidente kung saan nasugatan ang isang sakay umano nito.

Ayon kay Talavera police chief, Lt. Col. Erwin V. Ferry, ligtas at wala namang nasaktan sa mga sakay ng naaksidenteng puting van.