Vargas

Vargas iminungkahi whole of nation vs climate change

Mar Rodriguez Apr 18, 2022
254 Views

IMINUMUNGKAHI ng isang Metro Manila solon ang “whole-of-nation approach” o ang pagkakaisa ng sambayanan para hanapan ng solusyon at tugunan ang problema ng bansa kaugnay sa climate change. Kasunod ng paghagupit ng bagyong “Agaton” sa rehiyon ng Visayas.

Binigyang diin ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na ang pagkawasak ng mga kabahayan at pagkasira ng kabuhayan ng ating mga kababayan sa Visayas ay lalong magdudulot sa kanila ng mas matinding suliranin.

Gayong ang ilan sa kanila ay hindi pa naman talaga lubos na nakaka-bangon mula sa COVID-19 Pandemic. Kung kaya’t ang paghagupit ng bagyong “Anton” ang panibagong kalbaryo na mapipilitang pasanin ng mga taga Visayas region.

Dahil dito, sinabi ni Vargas na hindi dapat magpatumpik-tumpik ang mga “concerned government agencies” sa kanilang aksiyon para maibigay ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong “Anton” tulad ng pagkain, inumin at iba pa.

“The devastation will impact heavily on communities and fellow Filipinos still struggling to recover from the Pandemic. It is imperative that concerned national government agencies act with haste and address the most pressing needs of the residents,” ayon kay Vargas.

Nananawagan din ang kongresista para matugunan ang problema ng climate change na hindi lamang problema ng pamahalaan. Kundi maging ang mga pribadong sektor at publiko kung kaya’t kailangang magtulong-tulong ang lahat para tugunan ang climate change sa bansa.

“Once and for all. I call for a national response to climate change that involves not only the national government and local governments, but also the private sector and the public. Each of us shares not only in the burden but the responsibility to face this challenge head on,” dagdag pa ni Vargas.