Alfred Vargas

Vargas isinulong mas mabigat na parusa sa bumibili ng boto

Mar Rodriguez May 2, 2022
229 Views

NAGHAIN ng panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang Metro Manila solon na naglalayong pabigatin ang parusa laban sa mga sindikato na nagsusulong at nagpapalaganap ng “vote buying” at “cyber vote buying” tuwing panahon ng eleksiyon sa bansa.

Binigyang diin ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na kinakailangang amiyendahan ang Batas Pambansa Blg. 881 o mas kilala bilang Omnibus Election Code na nagpapataw ng parusa laban sa mga sangkot sa vote buying at panunuhol sa mga botante.

Ikinababahala ni Vargas na pinatanda na ng panahon ang nasabing batas na sinabayan pa ng paggamit ng mga modernong teknolohiya para sa pagpapalaganap ng katiwalian sa eleksiyon sa pamamagitan ng pamimili ng boto at panunuhol.

“These provisions are over thirty years (30) old. Sadly, those who seek to undermine the people’s right to vote have devised newer more nefarious schemes that employ syndicated operations and modern technology,” ayon sa mambabatas.

Ipinaliwanag din ng kongresista na sa kasalukuyang panahon. Ang sinomang nasangkot sa “vote buying” ay makukulong ng isa hanggang walong taon.

Subalit mistula lamang itong isang ordinaryong krimen at hindi talaga nakikita ang mabigat na pagkakasala ng pandaraya sa halalan at paglapastangan sa karapatan ng mga Pilipinong botante na makapili ng karapat-dapat na lider ng bansa.

“At present, the law punishes vote buying with imprisonment of one to six years. A punishment that does not reflect the importance of the right to suffrage nor ascribe full value to our democratic ideals grounded on the electorates free and informed choice” sabi pa ni Vargas.