Vargas2

Vargas pinangunahan pagkakaloob ng tulong pangkabuhayan sa QC

Mar Rodriguez May 16, 2024
127 Views

VargasVargas1BUNSOD ng matinding kahirapan na kasalukuyang nararanasan ng mamamayan. pinangunahan ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang pagkakaloob ng “livelihood tulong pangkabuhayan” para sa kaniyang mga constituents.

Sinabi ni Vargas na hindi nito kayang tiisin at makita ang paghihirap o paghihikahos ng kaniyang mga kababayan sa QC partikular na sa bayan ng Novaliches kaya inilunsad nito ang nasabing programa upang maibsan ang krisis na pinagdadaanan ng kaniyang mga constituents.

Ayon kay Vargas, optimistiko siya na malaki ang maitutulong ng inilunsad nitong “livelihood tulong pangkabuhayan” program para sa kaniyang mga constituents sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling negosyo at pangkabuhayan sa gitna ng krisis na nararanasan ng mamamayan.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na tuloy-tuloy ang kaniyang paglilingkod sa kaniyang mga kababayan sapagkat walang makakapigil sa kaniyang magkaloob ng tulong para sa mga mahihirap na mamamayan ng QC. Umulan man o umaraw ay magpapatuloy ang kaniyang mga programa.

“Tuloy-tuloy kabuhayan, tuloy ang laban ng pamilyang Novaleno, marami pang kailangang tulungan kaya hindi po tayo humihinto sa pagbibigay ng programang pangkabuhayan. Umulan man o umaraw. Nandito lamang po tayo para tulungan ang mahihirap na pamilya sa Quezon City,” wika ni Vargas.

Ipinabatid pa ni Vargas na marami pa siyang programang ilulunsad para sa kapakanan ng kaniyang mga constituents.