Vargas

Vargas sinusuportahan panawagang POGO i-ban

Mar Rodriguez Dec 8, 2023
148 Views

SINUSUPORTAHAN ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang panawagan na i-ban na ang operation ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pilipinas kasunod ng mga nabunyag na illegal activities na kinasasangkutan nito.

Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Games and Amusement, pinatotohanan mismo ng mga law enforcement officials tulad ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang tinatawag na “pattern” ng mga illegal activities ng mga nasa likod ng POGO.

Dahil dito, naniniwala si Vargas na maaaring napapanahon na para pag-aralan o kaya naman ay pag-isipan na ng gobyerno ang pagba-ban sa operasyon ng POGO sa Pilipinas. Sapagkat ang mga law enforcement officials na mismo ang nagpapatunay patungkol sa illegal activities na kinasasangkutan ng POGO.

Ipinaliwanag ng kongresista na wala ng dahilan para magpatuloy pa sa bansa ang operasyon ng POGO dahil ang pananatili nito ang naglalagay sa mga mamamayan sa bingit ng alanganin o matinding peligro. Bunsod ng iba’t-ibang uri ng kriminalidad katulad ng illegal drugs at human trafficking.

Binigyang diin naman ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na dahil sa pagpapatotoo ng NBI at PNO patungkol sa mga kabulastugang kinasasangkutan ng POGO. Hindi na aiya uuba ang pag-regulate sa operasyon ng POGO.

Ayon kay Valeriano, hinihingi na umano ng pagkakataon na tuluyan ng sipain palabas ng Pilipinas ang mga operators ng POGO sapagkat mistulang binabalewala na lamang nila ang mga batas ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkakasangkot nila sa iba’t-ibang kriminalidad.

Sinabi ni Valeriano na hindi na dapat pang hayaan na marami pang mga Pilipino ang maging biktima ng POGO. Habang parang hindi na kinatatakutan ng mga operators ng POGO ang mga ikinakasang raid laban sa kanila dahil sa kabila nito ay nagpapatuloy pa rin naman ang kanilang operation.