Venus Larawan: Venus Raj /IG

Venus Raj, nag-sorry sa wedding confusion

264 Views

NILINAW ng beauty queen na si Venus Raj sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, na ang kanyang non-showbiz partner ay hindi si Nelwin Uy.

Natawa na lamang si Venus matapos ang ilang outlet ay naglabas ng article na nadawit ang pangalan ni Nelwin.

Sa kanyang IG story, sinabi ng beauty queen, “Media friends kindly get your facts straight. Mr. Nelwin Uy is our photographer, not my boyfriend!”

Nag-public apology naman si Venus kay Nelwin at sa pamilya nito.

Aniya, “Apologies to Sir Nelwin Uy and his family for the confusion.”

Makikita kasing naglabas ang isang pahayagan ng article na may headline na “Venus Raj, Nelwin Uy upcoming wedding” na agad naman nilang binura.