Moira Larawan mula sa IG/@moiradelatorre

Moira greatful sa na-achieve ng music career

35 Views

TODO pasasalamat ang singer-songwriter na si Moira Dela Torre sa mga na-achieve niya sa kanyang music career.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Moira ang mga larawan ng kanyang achievements kabilang na ang total streams sa streaming platform na Spotify kung saan humakot ang singer-songwriter ng halos 300M streams ngayong taon.

Bukod pa rito, itinanghal din si Moira bilang most streamed OPM female artist sa Pilipinas ngayong 2023, sunod-sunod sa loob ng pitong taon. Siya rin ang kinilalang ika-apat na most streamed OPM artist sa bansa ngayong taon.

“Seven years is just unbelievable. thank you for taking my music along [with] you in whatever season you find yourself in — but really, thank you for making me feel i was never alone in mine,” sey ni Moira.

“I don’t know what i did to deserve this kind of love and appreciation …and for this long but thank you anyway and thank you always. i will never take this for granted. thank you for the last 7 years. i love you guys so much,” dagdag pa niya.

Inulan naman ng pagbati mula sa netizens ang nasabing post ni Moira.

“AS SHE SHOULD?!?!?? CONGRATS MOIIIIIIIIII!!!!!!!!” komento ng vlogger na si Mimiyuuuh.

“7 consecutive years of being undefeated omg.”

“You literally ended every Filipina artist with these historical achievements.”

“I love you. You deserve all the love.”

“MOIRA NEVER BEATING THE QUEEN OF PH MUSIC INDUSTRY ALLEGATIONS.