Vests

Vests para sa 200 OTS workers ibinigay

Jun I Legaspi Dec 22, 2025
301 Views

NAMIGAY na ang Office for Transportation Security (OTS) ng mga reflectorized vests sa 200 empleyado nito noong Disyembre 17 na bahagi ng mga programa ni OTS Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz.

Layunin ng vests distribution na tiyakin ang kaligtasan ng mga OTS personnel na nasa field operations at matiyak din ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga panukalang pangseguridad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Ipinamamahagi sa mga security screening officers, OTS officials, national security auditors, risk assessors at evaluators ang mga vests.

Binigyang-diin ni Usec. Cruz ang kahalagahan ng pagsusuot ng OTS reflectorized vests sa panahon ng operasyon.

“Mas madali tayong makilala ng mga pasahero at kasamahan, kaya mas maayos ang operasyon,” pahayag ni Usec. Cruz.