Kris4

VG Mark pinalitan ni Kris ng doktor sa Makati

Vinia Vivar Jun 30, 2024
100 Views

Nakaplano nang bumalik si Kris Aquino sa Pilipinas bago matapos ang taong 2024. Ito ay kung patuloy ang magandang progreso ng kanyang kalusugan sa Amerika kung saan siya nagpapagamot.

Kasama ang bunsong anak na si Bimby, nagpa-interview si Kris Aquino kay Ogie Diaz sa bahay niya sa US at dito ay inanunsyo niya ang magandang balita.

“I can reveal to everybody na hopefully, sa last quarter ng taon, bago mag-Pasko, I’ll be back in the Philippines,” ang deklara ni Tetay.

Pero bago siya makabalik ay may pagdadaanan muna siyang tests at isa na rito ang MRI with contrast dye at may fear siya dahil 2019 pa nang huli siyang sumailalim sa procedure na ito.

“Eh, ang mga allergy, nag-e-evolve. Pero in-assure naman ako na kaya ko daw kasi kung na-survive ko ‘yun, bago kami umalis ng Pilipinas, so that would be 2022, nakapag-pet scan na ako para malaman kung may cancer ka, clear ako do’n, and kinaya ko naman ‘yung in-inject sa akin nu’ng panahon na ‘yun.

“So, ‘eto ngayon, it’s very similar daw ‘yung i-inject sa ‘yo, ang makikita, magla-light ‘yan sa screen, kung may mga blockage ‘yung mga vessels.

“And if I clear that at kinaya, then, pwede nang ituloy sa Pilipinas ‘yung treatment sa ‘kin,” pahayag ni Kris.

Bukod dito ay patuloy pa rin ang kanyang medication kaya mabaha pa raw na proseso talaga.

“So, kung umuwi ako, it could mean na another one year and a half to two years na ‘yung gamot, kailangang patuloy that I’m taking it. So, mahaba pa ‘to talaga,” aniya.

Bukod dito ay kailangan pa rin niya talagang palakasin ang kanyang resistensiya dahil sa ngayon ay hindi siya talaga pwedeng lumabas at kung lalabas man siya ay nakasuot pa siya ng mask.

“Kasi nga, right now, wala akong panlaban sa ibang mga sakit. ‘Pag lumalabas kami, I’m still wearing a mask kasi hindi ako pwedeng mahawa.

“Kunyari kayo, malalabanan n’yo ang lagnat. Kung magkaroon kayo ng flu, ubo’t sipon, kaya n’yo. Sa ‘kin, ‘yung simpleng ubo’t sipon, automatic, magiging pneumonia.

“So, hirap pa ako. Kailangan nilang palakasin pa ‘yung resistensiya ko. And then, after that, sana, makauwi na ‘ko. Because ang tagal ko nang hindi nakikita ‘yung mg kamag-anak ko, pinsan ko,” sey pa niya.

Bagama’t dinadalaw naman daw siya do’n ilang very close friends niya, nami-miss niya pa rin ang sariling bansa.

“I miss home, of course, I miss the people and mahirap din na si Kuya Josh (her eldest son) nandu’n, umuuwi, bumabalik dito, eh, ayaw nang bumalik. Gusto niya talaga sa Tarlac, do’n siya happy,” lahad ni Kris.

Pahayag pa ni Tetay, “I’m holding on to that belief na bago matapos ang September, nandiyan na ako.”

Asked kung magbabalik ba siya sa telebisyon kapag nalampasan niya ang pagsubok na ito, sey niya, “Behind the scenes, yes. Hindi na ‘yung front and center kasi I don’t think na kaya pa ng katawan ko.”

Pwede rin daw siyang makipag-collaborate kay Ogie sa vlog kahit once a week.

Anyway, nakakatuwa dahil kitang-kita naman sa aura ni Kris na nag-improve ang kanyang kundisyon compared sa dati.

Mabilis na ulit siyang magsalita, madaldal na uli at parang bumabalik na nga ang dating Kris Aquino.

Bukod sa posibleng pag-uwi sa bansa, napag-usapan din ang tungkol sa bago niyang love life at breakup kay Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Ayon kay Kris, November last year pa ay nagkaproblema na ang relasyon nila ni VG Mark pero bago siya mag-birthday this year ay naghiwalay na sila.

Isang doktor umano na based dito sa Pilipinas, sa Makati, exactly, ang bagong inspirasyon niya.