Vice

Vice ’di maka-get over sa biglaang V-Day date nila ni Ion

Vinia Vivar Feb 19, 2025
19 Views

Hindi pa rin maka-get over si Vice Ganda sa Valentine date nila ng dyowang si Ion Perez nitong nakaraang Feb. 14.

Ibinahagi ng Unkabogable Star ang video ng Valentine date nila at ipinahayag ang pasasalamat sa partner.

Sa kanyang appreciation post para kay Ion ay ikinuwento niya ang ginawa ng dyowa that made their V-day memorable.

Tsika niya, wala nang na-book na restaurant si Ion kaya naging impromptu na lang ang kanilang dinner na ang mahjong table ay ginawang dining table at nagpa-deliver na lang sila ng pasta.

“Still not over this spontaneous Valentine Date with you babe. Yung mahjong table na ginawang dining table. Ung pasta na pinadeliver lang. and yung Christmas lights na kinalat lang sa sahig,” sey ni Vice.

Amazed na amazed nga rin si Vice na nakakuha pa ng violinist si Ion.

“Ung andaming nangyari from 6-8pm dahil wala kang mapabook na restaurant. At may nakuha pang violinist. Hahaha! Lahat biglaan lang. Pero may isang nakahanda …ung bulaklak mo para sakin,” aniya.

Ayon pa kay Meme ay never pa siyang natrato nang ganito sa tanang buhay niya.

“Ang saya! Ang ganda! Thank you for making me experience so many firsts! I have never been treated like this in my entire life. Never have been loved like this. Thank you babe!!! Each day with you is Valentine’s! I love you Noi! @pereziion27,” mensahe ni Vice kay Ion.