Vietnamese

Vietnamese lady na-intercept dahil sa kaso sa droga

Jun I Legaspi May 7, 2026
25 Views

Vietnamese1NA-intercept ng Bureau of Immigration (BI) noong Abril 29 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang babaeng Vietnamese na may kasong droga at hinahanap ng Interpol.

Kinilala ng BI ang pasahero bilang si Tran Thi Hoai Nam, 25, na na-intercept sa primary inspection line ng NAIA Terminal 1 matapos matukoy ng mga immigration officer ang Interpol hit sa kanyang pagdating mula Phnom Penh sakay ng Philippine Airlines flight.

Isinailalim siya sa beripikasyon ng mga supervisor at nakumpirma na siya ay subject ng isang Red Notice na inilabas ng mga awtoridad sa Vietnam isang araw bago ang kanyang pagdating kaugnay ng facilitation ng ilegal na paggamit ng mga narkotiko.

Ayon kay BI Interpol Unit Chief Peter de Guzman, matagal nang umiiwas sa mga awtoridad ang naturang pugante matapos umano nitong tulungan ang mga aktibidad na may kinalaman sa droga sa Vietnam noong 2022 at tumakas sa gitna ng isang police operation.

Binibigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang matatag na paninindigan ng Bureau laban sa transnational crime.

Bilang resulta ng kanyang exclusion, isinama na rin ang pangalan ni Tran sa BI blacklist na nagbabawal sa kanya na muling makapasok sa bansa.