Villafuerte

Villafuerte: Pagkilala ng TIME Magazine deserve ni PBBM

131 Views

WALA umanong kaduda-duda ang pagkakasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 100 Most Influential People ng TIME Magazine ngayong taon, ayon kay National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte.

“Our President’s success in drawing the world’s attention to, and—more importantly—drumming up international support behind, concerns requiring collective and immediate action such as peace in the Indo-Pacific region amid nonstop Chinese bullying, and climate justice for the most vulnerable economies is no mean feat,” ani Villafuerte, kinatawan ng Camarines Sur.

“No wonder Mr. Marcos landed this year on Time’s annual list of the 100 most influential people in the world,” ani Villafuerte. “He has earned this eminence with all the feats he has achieved in less than two years on the job in turning the spotlight on matters that affect the Philippines and the rest of the world, and, more crucially, in drumming up increasing global support behind these concerns.”

Sinabi ni Villafuerte na tama ang TIME, na nakabase sa New York at isa sa pinaka kinikilalang magazine sa mundo, sa paliwanag nito na dinala ni Pangulong Marcos sa world stage ang Pilipinas, pinanatili ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng Covid pandemic at tumayo laban sa China sa ginagawa nitong pang-aagaw ng teritoryo sa West Philippine Sea, at pinalakas ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa gitna ng tensyon.

Ayon kay Villafuerte hindi maitatanggi na nakuha ni Pangulong Marcos ang suporta ng maraming bansa sa usapin ng WPS na lalo pang pinatingkad ng isinagawang trilateral meeting kasama sina US President Joseph Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Bukod dito, sinabi ni Villafuerte na pinagtibay ang pagsasagawa ng mga joint military exercises.

Ayon kay Villafuerte, maging si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon, na nasa bansa ngayon, ay nagpahayag na plano rin nilang sumali sa multilateral efforts para sa komprehensibong maritime security sa rehiyon.

Sinabi rin ng mambabatas na ang Pangulo ay nagsilbing pangunahing salesman ng Pilipinas sa mga binisita nitong bansa upang dumami pa ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa na magbibigay daan sa pagkakaroon ng maraming mapapasukang trabaho, at oportunidad na kumita para sa mga Pilipino.