Villar

Villar hinikayat mga Boholano na tularan si St. Jospeh the Worker

Mar Rodriguez May 1, 2025
46 Views

Villar1Villar2Villar3HINIHIKAYAT ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar ang mga mamamayan ng Bohol na tularan ang kanilang Patron na si St. Joseph the Worker bilang kanilang inspirasyon upang sila ay magsikap at magpunyagi.

Ang pahayag ng tinaguriang “millennial senatorial bet” ay ginawa nito matapos itong magtungo sa nasabing lalawigan para makiisa sa selebrasyon ng Saulog Festival sa Tagbilaran, kasunod ang kaniyang pagbibigay pugay sa kanilang Patron na si San Jose, Manggagawa.

Inendorso din si Villar ni Tagbilaran, Bohol Mayor Jane Yap para sa kaniyang kandidatura kung saan nagpahayag ng taos na pasasalamat ang kongresista dahil sa suporta at endorsong ibinigay ni Mayor Yap kasama na dito ang buong opisyales ng Local Government Unit (LGU) ng Tagbilaran, Bohol.

Sabi ni Villar na bilang kanilang Patron, dapat tularan ng mga Boholano si St. Jospeh, The Worker, na isang simbolo ng kasipagan, katapatan at pananampalataya. Nararapat din na magsilbing inspirasyon para sa kanila si San Jose sa gitna ng mga nararanasang pagsubok ng mga mamamayan ng lalawigan.

“Ngayong araw po ito, inaalay po natin ang ating pagdiriwang kay St. Joseph the Worker na isang simbolo ng kasipagan, katapatan at pananampalataya. Nawa’y maging inspirasyon siya sa ating lahat sa gitna ng hamon ng buhay sa ating trabaho at pag-aaruga sa ating pamilya,” wika nito.

Ayon pa kay Villar, si San Jose Manggagawa din ang kaniyang Patron at inspirasyon sa pagsisilbi nito sa taongbayan o serbisyo publiko.

Ipinahayag din nito na hangarin niya na mapayabong at mapaunlad ang turismo ng Bohol kasunod ang pagkakaroon ng karagdagang trabaho para sa libo-libong mamamayan ng lalawigan.

“Kaya naman po, iyan din po ang aking inspirasyon sa pagse-serbisyo publiko. Kaisa niyo po ako sa hangarin na patuloy pang mapayabong ang turismo at makapag-dagdag ng kabuhayan para po sa ating mga kababayan dito sa Bohol,” sabi pa ni Villar.