Calendar

Villar inindorso ni QC Mayor Joy Belmonte
INENDORSO ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang kandidatura ni House Deputy Speaker at Nationalista Party (NP) senatorial bet Camille A. Villar matapos itong maging panauhing pandangal ng naturang Lungsod.
Pinasalamatan naman ni Villar si Mayor Belmonte dahil sa pag-endorso nito sa kaniyang kandidatura kasabay ng muling pagpapahayag ng kaniyang commitment na gagawin nitong prayoridad ang pagsusulong ng mga programa at adbokasiya para sa mga kababaihan, kabataan at marginalized sector.
Sabi ni Villar na isusulong din nito ang pagtataguyod ng maayos na health care services para sa lahat ng mga Pilipino at ang pagsusulong ng mga programa para maisayos ang edukasyon ng mga kabataan.
Dinaluhan din ni Villar ang idinaos na “Gender and Development Assembly” na inilunsad ng QC na naglalayong isulong ang gender equality sa lahat ng sektor ng Lipunan kabilang na dito ang edukasyon, employment, health care at political participation.
Pinakinggan din ng NP Senatorial candidate ang hinanaing o karaingan ng mga transport groups sa QC kabilang na ang mga tricycle drivers and operators.
Ang QC ay isa sa mga Lungsod sa Metro Manila na may pinakamayang boto kung saan ito ay umaabot aa 1,328,018 registered voters batay sa record ng Commission on Elections (COMELEC).
To God be the Glory