Villar

Villar isinusulong mga sunog maiwasan

130 Views

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga sunog, muling nanawagan si Senator Cynthia A. Villar ng pagkakaisa at kooperasyon upang maiwasan ang sunog.

Sinabi ni Villar na nakapaloob ang ugaling pagtutulungan kung saan ay sinabi niya na dapat lamang maging responsable ang bawat isa sa kanyang paligid at sa kanyang kapwa tao.

“I believe that instead of depending on our firefighters to put off fires, everyone must be responsible to avoid causing fires,” giit ni Villar.

Ipinahayag niya na sa ilalim ng Proclamation No. 115-A, idineklara noong 1966 ang Marso na “Fire Prevention Month” dahil ito ang simula ng summer season sa Pilipinas.

“And based on the Philippine statistics, fire incidents in the country increase during March,” sabi pa ni Villar.

Sa Pilipinas, ang mga pangunahing sanhi ng sunog ay ang sirang electrical connections at electrical overloading, naiwang nakasinding kandila o stove o oven, upos ng sigarilyo at pag-imbak ng combustible materials gaya ng pintura.

“So we have to be check on these causes of fires,” ani Villar.

“We have also been embarking on activities to increase awareness and knowledge of residents and communities in preventing fires,” dagdag pa niya.

Ipinunto niya ang mga datos mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nagpapakita na 25 percent na pagtaas sa bilang ng sunog sa dalawang unang buwan ng taong ito.

Simula January 1 hanggang March 1, mayroon tayong 3,044 sunog. Sa parehong panahon noong 2023, nagkaroon tayo ng 2,424 sunog.

Sa buong taon ng 2023, may 15,900 sunog na 21 percent ang taas sa 13,133 sunog noong 2022.

Ayon sa senador, layunin nilang pababain ang bilang ng sunog upang tiyakin ang kaligtasan ng taumbayan.

“So we are continuously reminding our people about the causes of fires and how to prevent them particularly during this Fire Prevention Month.”