Villar

Villar isusulong mental health awareness

Mar Rodriguez May 7, 2025
13 Views

MALOLOS, BULACAN — Isusulong ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar ang mental health awareness para matulungan ang mga mamamayan na dumaranas at sumasailalim sa mental health problem.

Sabi ni Villar na mahalagang magkaroon ng isang programa gaya ng mental health awareness para matugunan o ma-address ang mental health sa ating bansa kung saan ang ilan sa mga nagiging biktima nito ay mga kabataan.

Pagbibigay diin ng kongresista na kinakailangan din na mapangalagaan ng bawat Pilipino ang kanilang kalusugan, sa pangangatawan man o sa pangka-isipan sa pamamagitan ng pagkontrol sa kanilang nararamdamang stress mula sa kanilang trabaho o personal.

“It’s not easy but it’s real. That’s why as a millennial leader, mental health is one of my core advocasies. It is not something that should be hidden or become one’s source of embarrasment,” paliwanag ni Villar.

Nananawagan din si Villar sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na dapat nilang palawigin ang kanilang coverage para sa mga mental health issues.