Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Villar

Villar nakahandang protektahan, tulungan mga OFW

Mar Rodriguez Apr 9, 2025
34 Views

Villar1Villar2NAGPAHAYAG ng kahandaan si House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar (Nacionalista Party) na mabigyan ng proteksiyon at matulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bilang pagkilala sa kanilang napakalaking kontribusyon at sakripisyo para sa ating bansa.

Sa kaniyang mensahe sa harap ng iba’t-ibang sektor sa Quezon Province, muling ginunita at ipinaalala ni Villar ang pagbibigay prayoridad ng kaniyang mga magulang na sina dating Senate President Manny Villar at Senator Cynthia Villar sa kapakanan at interes ng mga OFWs.

Ayon kay Villar, kabilang sa mga tulong at suporta na ipinagkaloob ng kaniyang mga magulang para sa ating mga kababayang OFWs ay ang pagkakaloob ng legal assistance, repatriation, livelihood programs, pagkakaroon ng OFW hotlines at iba pang kahalintulad na serbisyo.

Ibinida din ng kongresista na noong 18th Congress, isa umano siya sa mga mambabatas na sumuporta upang maaprubahan ang Republic Act No. 11641 o ang batas na lumikha sa Department of Migrant Workers (DMW) kung saan ang pangunahing layunin nito ay ang pangalagaan at pangasiwaan ang kapakanan ng mga OFWs.

Pagbibigay diin pa ni Villar na ang pagsuporta nito sa mga OFWs, pagsusulong ng mga infrastructure projects at pagtutok sa agrikultura ang ilan lamang sa kaniyang mga prayoridad at tututukan ng kaniyang serbisyo publiko kagaya ng naging paglilingkpd ng kaniyang mga magulang.