Calendar

Provincial
Vintage bomb nakita ng magsasaka sa sakahan
Steve A. Gosuico
Aug 30, 2024
204
Views
ZARAGOSA, Nueva Ecija–Iti-nurn over sa Nueva Ecija Provincial Explosive at Ordnance Disposal and Canine Unit (NEPECU) ng isang magsasaka ang vintage bomb na natagpuan niya sa kanyang sakahan noong Huwebes sa bayang ito.
Sinabi ni Emmanuel Garcia, magsasaka na taga-Benitez subdivision, Brgy. Concepcion, na naghahawan siya ng damo nang matagpuan ang pampasabog sa Brgy. Sta. Lucia Young dakong alas- 9:30 ng umaga.
Iti-nurn over ang bomba para sa kaukulang disposisyon, sabi ni Major Gregorio Bautista, hepe ng pulisya ng nasabing bayan.
BAI kinumpirma unang kaso ng HPAI H5NP sa CamSur
May 7, 2025
P1M tinangay ng 3 holdaper sa courier company
May 7, 2025