Taxi

Dizon sinimulan crackdown sa colorum, overcharging cabbie sa NAIA

Jun I Legaspi Jun 21, 2025
48 Views

TaxiNANGUNA si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa crackdown laban sa mga illegal at overcharging na taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Sabado.

Ang inspeksyon ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguraduhing hindi pinagsasamantalahan ng mga taxi ang mga pasahero sa airport.

Dalawang airport taxi ang nahuling pumapasada na colorum.

Kasama ng DOTr ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operations sa NAIA at nahuli ang mga taxi kabilang na rito ang isa na may prangkisang pang-truck.

Sinabi ng DOTr secretary na tuloy-tuloy ang operasyon na hulihin ang mga taxing nag-oovercharge at mga colorum sa airport.

Dagdag pa ni Secretary Dizon, kailangan matigil na ang pagsasamantala ng mga taxi driver at operator sa mga pasaherong bumabyahe mula sa airport.

Magagawa ito kung sila ay patuloy na huhulihin at papatawan ng mabibigat na parusa para matakot at tigilan na ang panloloko sa mga pasahero, ayon kay Dizon.