Chi

VM Chi: Mag-urban farming tayo

Edd Reyes Nov 14, 2025
495 Views

ISA sa mga praktikal na solusyon na nakikita ni Manila Vice Mayor Chi Atienza na makakatugon sa seguridad sa pagkain ang “urban farming.”

“Sa totoo lang, ang pinaka-pressing concern ngayon ay pagdating sa pagkain. Kung hindi naman nakakakain nang maayos ang ating mga kababayan.

Ika nga ng ating alkalde, nganga pa rin tayo,” sabi ni Atienza sa pagdalo sa ika-23 Ceremonial Rice Harvesting sa Rizal Park.

Pinuri ng bise alkalde ang programa na gumagabay sa kabataan sa loob ng 23 taon sa lahat ng aspeto ng manu-manong pag-aani ng palay at nagpapakilala ng iba’t-ibang uri ng masustansiyang bigas.

Hinimok din ni Atienza ang mga kabataan na gawing adbokasiya ang natutunan sa programa at gamitin itong inspirasyon upang magkaroon ng pagbabago.

Binigyang diin niya na hindi kaya ng administrasyon ni Mayor Isko Moreno na harapin ng nag-iisa ang hamon sa mga isyu sa Maynila.