sara

VP in-waiting Sara Duterte nagbigay-pugay sa campaign team

271 Views

NAGBIGAY-PUGAY si vice president in-waiting Sara Duterte sa kanang campaign staff sa isinagawang thanksgiving event sa headquarters ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Mandaluyong City.

Personal na inihatid ni Duterte ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa mga staff na tumulong sa kanyang kampanya.

“You know a leader is only good as the best of his or her team, so kung magaling ang team magiging successful talaga ang isang leader and you are that for me,” sabi ni Duterte.

Tumanggi si Duterte na solohin ang kredito sa nakuha nitong mahigit na 31 milyong boto dahil ito umano ay resulta ng sama-samang pagtatrabaho ng kanyang campaign team.

“Maraming salamat sa inyo,. Kanina sinasabi ng mga tao at sinasabi ni Majority Leader Cong. Martin Romualdez sa akin sabi niya, wow 31 million votes that is you. Sabi ko hindi, sabi ko 31 million votes is ginawa niyong lahat, ako lang ‘yung kandidato kasi hindi ko naman magagawa lahat paisa-isa ‘yung mga tasks and responsibilities niyo as a candidate kaya nga nandyan kayo,” sabi ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na nakatulog ito ng mahimbing habang isinasagawa ang bilangan ng boto dahil kumpiyansa ito sa nagawa ng kanyang grupo.

“At ang measure ng tiwala ko sa inyong lahat is, sabi nga nila ‘di ba walang matutulog, walang matutulog dahil ang natutulog nadadaya, ‘yun ang sabi nila so walang matutulog walang matutulog, but I was so confident sa inyong lahat natulog ako kagabi,” dagdag pa ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na ang panalo sa halalan ay simula pa lamang ng maraming trabaho para sa bayan.

“So again thank you and simula pa lang ito marami pa tayong trabaho para sa ating bayan and we hope to collaborate and coordinate with your respective offices para sa tuloy-tuloy natin na pagtulong sa ating mga kababayan, of course we are doing this because we want to see a better country, a better future para sa mga anak natin, maraming salamat,” dagdag pa ng alkalde ng Davao City.