Calendar
VP Sara bank accounts subpoena ‘di fishing expedition–Ridon
HINDI fishing expedition ang pag-subpoena sa bank at tax records nina Vice President Sara Duterte at asawang si Manases “Mans” Carpio, ayon kay Rep. Terry Ridon.
Sinabi ng Bicol Saro Party-list representative na umaabot sa P6.7 billion ang total financial transactions, kasama ang P4.4 billion inflows sa bank accounts sa loob ng 20 taon.
“Ang posisyon ng depensa ay this is a mere fishing expedition. Ang totoo ho, wala hong fishing expedition kung balyena ‘yung nahanap,” sabi ni Ridon.
Idinagdag niya na “substantial” ang amount na dapat makumpirma at hindi kailanman speculativeang naturant bagay.
“Hindi naman ho barya-barya ang pera eh. Pinag-uusapan ho natin dito, P6.7 billion in total transactions over the course of 20 years.
Pinag-uusapan ho natin dito, P4.4 billion in inflows into the bank accounts of the Duterte-Carpio couple over the course of 20 years.
Malalaking pera po yung pinag-uusapan natin na hindi ho ma-imagine ng ating pong mga kababayan paano po ito nangyari,” ayon kay Ridon.
Diringgin ng impeachment court sa Lunes ang prosecution’s request na ma-subpoena ang Duterte-Carpio bank records, Bureau of Internal Revenue (BIR) documents at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records.
“Mahalaga po na mabuo ho natin ‘yung kabuuang litrato mula po nung nag-umpisa siya bilang vice mayor sa Davao City, naging mayor, at naging vice president.
Hindi ho tayo pwedeng magkaroon ng credible na pagtingin sa unexplained wealth or sa explainable wealth ng ating pong Pangalawang Pangulo kung ang pagbabatayan lang po natin ay ‘yung kasalukuyang mga taon ng termino,” sabi ng kongresista.

