Calendar
Senator judges sinabihan: Mag-focus sa ebdiensya, ‘wag pa distract
ISANG member ng Bantay Senado ang humiling sa Senate impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte na mag-focus sa mga evidence at huwag padala sa mga distractions
Ayon kay Dean Gary Dionisio, head ng Government and Diplomacy Department of De La Salle-College of Saint Benilde, dapat naka-angkla ang impeachment proceedings sa mga matitibay na ebidensya.
“Sa impeachment, ang pag-usapan po natin ay ebidensya. Nothing more, nothing less. Doon po tayo mag-stick,” sabi ni Dionisio.
Ayon pa sa kanya, napapansin nila ang maraming unnecessary questions galing sa defense at mga interventions ng senator-judges na walang kinalaman sa mga isyu.
“Nakita nga po namin ‘yung red flag sa bahagi ng depensa na mukhang ang daming mga unnecessary questions,” he said.
Ibinigay na sample ni Dionisio ang tanong ni Senator-judge Robin Padilla kay Atty. Jeremy Lotoc kung may alam ang huli sa Islam.
“Hindi ko alam kung ano magiging relevant, halimbawa, kung may alam ka sa isang relihiyon. Halimbawa tinanong si NBI director kung may alam ka sa Islam.
I don’t think there is a requirement to become a regional director on particular familiarity on that way kasi investigation naman ang kinakailangan,” sabi niya.

