Adiong House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong

VP Sara butata sa puna sa P20/kilo rice pilot sa Visayas: P70/kilo noong Digong admin

26 Views

BINATIKOS ng isang mambabatas si Vice President Sara Duterte sa kanyang pag-atake sa programa ng gobyerno na magbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo, sa halip na matuwa dahil mapapagaan nito ang pasanin ng karaniwang mamamayan.

Sinabi ni House ad hoc committee on Marawi rehabilitation and victims compensation chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na noong panahon ng panunungkulan ng ama ni VP Duterte na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay umabot ng P70 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa ilang lugar, at nagbenta ang gobyerno ng imported na bigas na may bukbok sa mga pamilihan.

“It is ironic that the Vice President is mocking efforts to lower rice prices to P20 per kilo when, during the administration of her father, rice prices even soared to P70 per kilo in some areas,” ani Adiong, isang House Assistant Majority Leader.

“It was under the Duterte government that we saw imported rice shipments infested with bukbok, when her father’s appointed Agriculture Secretary, Manny Piñol, oversaw rice importation.

Before pointing fingers, it would be better for her to look back at the failures of the administration she proudly represents,” dagdag pa nito.

Ito ang naging tugon ng lider ng Kamara sa mga naging pahayag ni VP Duterte kamakailan kung saan sinabi nitong ang pilot testing ng P20/kilo rice sa ilang bahagi ng Visayas ay “too late” na.

“Rather than criticize, the vice president should support every effort that aims to provide relief to the Filipino people, especially when it involves making basic necessities more affordable,” ayon pa kay Adiong.

Aniya, ang mga komentaryo ni VP Duterte ay nagpapaalala lamang sa taumbayan sa mga paghihirap na dinanas ng mga ordinaryong Pilipino noong nakaraang administrasyon, partikular noong sumirit ang presyo ng bigas at naging krisis ang seguridad sa pagkain.

“Ang dapat sa isang lider, lalo na kung may malasakit siya sa bayan, ay sumuporta sa mga hakbang para mapagaan ang buhay ng tao, hindi ang manira ng pagsisikap ng iba,” wika pa ni Adiong.

Ang P20/kilo rice program, na unang isinagawa sa piling Kadiwa centers sa Visayas, ay bahagi ng mas malawak na hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para tuparin ang pangakong gawing abot-kaya ang bigas para sa lahat ng pamilyang Pilipino.

Ayon sa mga ulat ng pamahalaan, nakikipag-partner ang programa sa mga kooperatiba ng mga magsasaka upang direktang maihatid ang bagong giling na bigas sa mga mamimili, na siyang nagtatanggal sa mga middlemen at nagpapababa ng presyo.

Nagbitaw ng kanyang kritisismo si Duterte kahit pa ipinaliwanag ng Department of Agriculture (DA) na ang layunin ng pilot program ay pinuhin ang modelo ng distribusyon bago ito ilunsad sa buong bansa, upang matiyak ang pagiging sustainable at accessible nito.

Iginiit ni Adiong na ang ganitong mga proyekto ay nararapat suportahan at hindi kinukutya.

“We should be working together to find solutions, not tearing down every attempt simply because it comes from another administration,” saad pa ni Adiong.

Binigyang-diin din niya na kailangang mamuhay ang mga pambansang lider sa itaas ng pulitika, lalo na kung kapakanan ng taumbayan ang nakataya.

“It’s not about which administration gets credit. It’s about making sure Filipino families can put affordable food on their tables,” ani Adiong.

“As public servants, our loyalty should be to the people, not to political vendettas,” dagdag pa ni Adiong.