Barbers

VP Sara Duterte natatakot ma-pusoy kaya gumagawa na ng mga taktika -Barbers

Mar Rodriguez Nov 26, 2024
49 Views

TAKOT masukol si Vice President Inday Sara Duterte.

Ito ang reaction ng lead Chairman ng House Quad Committee na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers na maaaring natatakot si VP Sara Duterte na ma-pusoy kaya kinakasangkapan na umano nito ang mga nararapat na taktika para lamang mailihis ang isyu laban sa kaniya.

Sabi ni Barbers, Chairman din ng House Committee on Dangerous Drugs, na ang mga alegasyong pinakawalan ni VP Sara kamakailan sa kaniyang press conference laban kina President Bongbong Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Gomez Romualdez ay isang taktika na upang qmawala o malihis ang atensiyon ng publiko sa mga kontrobersiyang iniimbestigahan ng Kongreso patungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng mga Duterte.

Paliwanag ng kongresista na hindi naman kaila sa mamamayang Pilipino na nakakulapol sa mga Duterte ang mga kontrobersiyal na usapin kagaya ng Extra-Judicial Killings (EJK), madugo at brutal na war-on-drugs campaign ng dating admistrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang hindi maipaliwanag na P612.5 milyong Confidential Fund ni Vice President Sara Duterte.

Nilinaw din ni Barbers na ang isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee ng Kamara de Representantes at House Committee on Good Government and Public Accountability ay nararapat sapagkat upang makapag-balangkas ang Kongreso ng mga mahahalagang panukala para matiyak ang “public accountability” sa lahat ng opisyal ng pamahalaan kasama na ang mga kongresista.

“One of the campaign promise of the UNITEAM is to institute reforms in government and its systems in order to ensure transparency and accountability for any malfeasance committed in office whoever and whatever positions you hold. All this investigations are necessary as a prelude to legislating redorms and guranteeing accountability of public officers including members of Congress,” sabi ni Barbers.

Gayunman, winika pa ni Barbers na sa halip na sagutin at ipaliwanag ni VP Sara ang mga kontrobersiyang bumabalot sa Confidential Funds nito ay mas pinipili pa nitong magtago at magpakawala ng mga lintansiya para lamang mailigaw ang totoong isyu. Kung saan, ito aniya ay isang desperadong taktiba sa panig ng Pangalawang Pangulo.

“Instead of facing the music. The Vice President has chosen to hide behind lies, theatrics and name calling this is not the behavior of someone desperately dodging accountability,” dagdag pa ng mambabatas.

Pinabulaanan din ni Barbers ang mga naging pahayag ni VP Sara na ang mga ginagawang pagdinig ng Kamara de Representantes ay dahil sa uspain ng politika.

“This is not about 2028 or her presidential ambitions. It’s about ensuring that every peso of tax payer’s money is used properly. If she can’t answer simple questions about how confidential funds were spent, the public has every right to question her integrity,” dagdag pa nito.