Sara

VP Sara hiniling advance payment sa election service ng mga guro

Arlene Rivera Mar 19, 2023
158 Views

HINILING ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na bayaran ang mga guro bago pa magtatrabaho ang mga ito sa eleksyon

“We owe it to them to ensure the safe and credible conduct of vote canvassing. Baka naman, sa amin lang from the Department of Education, mauna ‘yung bayad sa mga teachers namin bago ang election,” ani Duterte.

Dumalo si Duterte, na kalihim din ng Department of Education, sa 2023 National Election Summit sa Sofitel Philippine Plaza.

Ayon kay Duterte ang mga guro sa pampublikong paaralan ay gumugugol ng mahabang oras sa mga presinto kapag araw ng halalan.

“Of course, bumabyahe sila, kumakain sila, and may gastusin din sila during the days na they are serving the country. Baka lang i-advance, or it can be a consideration, or plan for future elections na mauna ‘yung payments or ‘yung compensation para sa ating mga teachers,” dagdag pa ng kalihim.

Nanawagan din si Duterte na tiyakin ang kaligtasan ng mga guro na nagsisilbi sa eleksyon.

“Minsan, ang mga guro ay tinatakot ng mga warlord politicians at ginagawang kasangkapan sa kanilang pandaraya,” sabi pa ni Duterte. “Alam natin na mahirap kalaban ang mga warlords na may private army. Pero kailangan nating ipakita na mas mahirap pong kalaban ang mga taong gobyerno katulad ng mga pulis at mga sundalo because they represent the government.”