Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Sara

VP Sara kinilala mga Batangueño sa pagpapalakas ng probinsya

179 Views

KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang mga lider at residente ng Batangas sa pagpapalakas nito sa probinsya na itinatag 441 taon na ang nakakaraan.

“May I commend the leaders of the province and its people for building a strong Batangas. Batangas’ economic climate, the multi-sector dynamism, the steady but not too overwhelming tourism, local innovations, and human resource development – these are proof that Batangas has been efficient, sophisticated, and responsive in realizing the province’s full potential and sustainable development,” sabi ni Duterte na dumalo sa founding anniversary ng Batangas.

“Four hundred forty-one years of pursuing your own progress, driving Batangueños to face the future with hope and optimism that your individual and collective efforts will bring about social reforms,” dagdag pa ng Bise presidente.

Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ni Duterte ang kahalagahan ng pagbuo ng isang pamana sa mga hinaharap na henerasyon na nakabatay sa mabuting pamamahala na maaaring sundan ng mga susunod na lider.

“Madali pong maluklok sa pwesto. Ang mahirap po ang magsilbi ng may dangal at dignidad. Hindi po kasi ito makakalimutan ng tao. Tatatak sa kanila kung anong uri ka na lider. Legacy. At ang pagsisilbi ng tapat, nang may dedikasyon, tapang, at kahandaan na pangunahan ang bayan na harapin ang mga hamon na hinaharap natin, ito po ang aking ipinapangako sa inyo,” sabi ni Duterte.

“Good governance. Kung susundin natin ang landas ng good governance o maganda at epektibong pamamahala, hindi po malayong maisasakatuparan natin ang ating mga pangarap sa buhay at pangarap para sa Pilipinas,”dagdag pa nito.

Patuloy umano ang gagawing paalala ni Duterte sa mga kapwa nito lingkod bayad kaugnay ng kanilang responsibilidad at mga tungkulin sa bansa at mga Pilipino.