Eala2 Source: Ping Lacson FB

Wagi ni Eala sa Wimbledon nagbigay ng dangal, pagkakaisa sa mga Pinoy

57 Views

SINABI ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang makasaysayang Wimbledon run ni Alex Eala ay nagbigay sa mga Pilipino ng kinakailangang dangal at pagkakaisa sa bisperas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Tinawag ni Lacson si Eala na “detoxifier” at “unifier” si Eala.

“She is the detoxifier that our country’s highly toxic atmosphere needs and an influential unifier of a deeply divided nation,” pahayag ni Lacson.

Tinalo ni Eala ang defending Wimbledon champion na si Iga Swiatek sa third round, 7-6(9), 6-2 kaya siya ang naging unang Filipina na umabot sa second round ng isang Grand Slam tournament.

Umabot si Eala sa last 16 ng isang Grand Slam sa unang pagkakataon.

Dumating ang panalo ni Eala sa panahong muling haharap ang bansa sa isang politikal test.

Magbubukas ang Senate impeachment court ng paglilitis kay Duterte sa Lunes, July 6.

Pinasalamatan ni Lacson si Eala sa pagbibigay sa mga Pilipino ng pahinga mula sa ingay ng politika at sa pagpapakita ng bunga ng disiplina at pagtutok.

Ayon kay Lacson, ang tagumpay ni Eala ay hindi lamang milestone sa sports kundi paalala rin na may mga sandaling maaaring magkaisa ang mga Pilipino sa iisang pinagmumulan ng dangal.

Nakatakdang makaharap ni Eala ang 13th-seeded na si Jasmine Paolini para sa Wimbledon quarterfinals, ayon sa pahayag ni Lacson.