Quezon Quezon-Paranaque game sa MPBL.

Wala pa ding talo ang Quezon

Robert Andaya May 18, 2024
180 Views

WALA pa ding talo ang Quezon Huskers.

Sa pangunguna nina homegerown star Topeng Lagrama at dating FEU standout LJ Gonzales, pinayuko ng Quezon ang Paranaque Patriots, 81-75, para sa ika-anim na dikit na panalo sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Ang 5-4 na si Lagrama, na nahirang na “Best Player of the Game” ay gumawa ng 16 points, 4 rebounds, 4 assists at 3 steals, habang si Gonzales ay may 9 points, kabilang na ang dagger three-point shot sa huling mga segundo ng laro, 4 rebounds at 5 assists.

Nakatulong nila sina RJ Minerva, na may 15 points, 9 rebounds at 2 blocks; at Jason Opiso, na may 10 points at 4 rebounds.

Ang dating MPBL MVP na si Gab Banal ay nag-ambag din ng 9 points, 3 rebounds at 3 assists para sa Huskers ni coach Eric Gonzales.

Ang Patriots, na bumaba sa 6-2 record, ay pinamunuan ng 19-point, 5-rebound, 6-assist output ni Jielo Razon, 15-point, 3-rebound, 4-assist contribution ni Philip Manalang, 14-point, 8-rebound effort ni Joshua Gallano at 11-point, 10-rebound contribution ni John Uduba.

The scores:

Quezon (81)— Lagrama 16, Minerva 15, Opiso 10, Gonzales 9, Banal 9, Gozum 8, Torres 6, Sandagon 3, Matillano 3, Abundo 2, Salonga 0, Gravera 0, Torres 0, Saitana 0.
Parañaque (75) — Razon 19, Manalang 15, Gallano 14, Ubuda 11, Ruaya 7, Olegario 3, Sarao 3, Pido 2, Martel 1, Villanueva 0, Vizcarra 0, Loyola 0, Castro 0, Umali 0, Yee 0.
Quarterscores: 16-14, 41-33, 60-61, 81-75.