Barbers

Walang pamumulitika ang imbestigasyon ng Quad Committee — Barbers

Mar Rodriguez Sep 13, 2024
109 Views

𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗴𝗶𝗴𝗶𝗯𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝗶𝗶𝗻𝘁𝗿𝗶𝗴𝗮 𝗻𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗱𝗶𝘀𝗸𝗮𝗿𝗶𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗯𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗤𝘂𝗮𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲, B𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗲𝗮𝗱 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗺𝗶𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗦𝘂𝗿𝗶𝗴𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗥𝗲𝗽. 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗔𝗰𝗲 𝗕𝗮𝗿𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 “𝗽𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗹𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮” 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝘆𝗮𝘀𝗮𝘁.

Gaya ng kaniyang naunang paninindigan na hindi puro “Marites” o tsismis lamang ang inilalantad ng House Quad Committee patungkol sa kanilang malalim na imbestigasyon sa ilang issue gaya ng Extra Judicial Killings, ang madugong war againts drugs campaign at illegal operation ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Muling naninindigan ang kongresista na walang bahid ng pamumulitika ang kanilang ginagawang hakbang.

Binigyang diin ni Barbers na ang layunin ng kanilang pagsisiyasat ay ang palabasin ang buong katotohanan patungkol sa mga nabanggit na usapin na hindi naman aniya sinadya nilang madawit ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte partikular na sa issue ng pagpatay sa tatlong Chinese nationals na sangkot sa kaso ng illegal na droga.

Sabi ni Barbers na ang mismong mga testigo o resource person ang naglahad ng katotohanan at nagsasangkot sa pangalan ng dating Pangulo kabilang na ang mga sinasabing mga taong malapit dito na nadadawit din sa mga kontrobersiya kagaya ng EJK at madugong war on drugs campaign. Kung saan, libo-libo ang namatay.

Iginigiit ni Barbers na hindi layunin ng kanilang imbestigasyon na durugin o kaya ay gibain ang pagkatao ng mga taong nadadawit sa naturang issue sapagkat ang pangunahing motibo ng kanilang pagdinig ay ang mabigyan ng hustisya ang lahat ng mga taong walang labas na napatay sa EJk at war against drugs campaign.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na ang mga testigong humaharap sa kanilang imbestigasyon ay nagbibigay ng kanilang testimonya batay sa kanilang personal na nalalaman at mayroong direktang partisipasyon. Kung saan, muli nitong ipinagdiinan na hindi nila tinuturuan o kaya ay dinidiktahan ang mga nasabing testigo.

“Wala pong pamumulitika dito. Sa mga nakalipas na pagdinig, ipinakita namin sa buong mamamayan na ang mga nagpapahayag ng kanilang mga testimonya ay pawang mga taong may direktang nalalaman o mayroong partisipasyon sa mga bagay-bagay na isinisiwalat sa aming imbestigasyon,” sabi ni Barbers.