Walang pasok

Walang pasok, trabaho sa NCR, R4-A Setyembre 3

Chona Yu Sep 2, 2024
253 Views

SUSPENDIDO ang pasok sa klase at trabahao sa araw ng Martes, Setyembre 3 sa National Capital Region at Region 4-A.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Enteng.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan.

“In view of the inclement weather brought about by Tropical Storm “Enteng,” classes in public schools and work in government offices in the National Capital Region and Region IV-A are hereby suspended on September 3, 2024 (Tuesday),” pahayag ni Bersamin.

“The suspension of work and classes for private schools, companies, and offices is left to the discretion of their respective heads,” pahayag ni Bersamin.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na aagahan na ng pamahalaan ang pagpapalabas ng abiso ng suspension order para malaman na ng taong bayan bago matulog kung may pasok o wala sa eskwela at trabaho kinabukasan.