Calendar

Walong pangalan ng tropical cyclone mula 2024 pinalitan
DAHIL sa laki ng pinsala, inalis na ng state weather bureau ang ang walong pangalan ng tropical cyclone mula noong 2024.
Ayon sa Philippine Atmospheric and Astronomical Services Administration (Pagasa) ito ay ang Aghon, Enteng, Julian, Kristine, Leon, Nika, Ofel, at Pepito.
Ito ang pinakamaraming bilang ng mga pangalan ng bagyo sa isang taon mula noong ginamit ang kasalukuyang pamamaraan ng pagpapangalan noong 2001.
Ang mga kapalit na pangalan ay Amuyao, Edring, Josefa, Kidul, Lekep, Nanolay, Onos, at Puwok, ayon sa pagkakabanggit, at gagamitin simula 2028.
Ayon sa Pagasa, ang Amuyao ay isang bundok sa Mountain Province, habang ang Edring at Josefa ay mga pangalang Filipino.
Si Kidul ay ang ‘Kalinga god o thunder’; habang ang Lekep ay ang Maranao na salita para sa fog; Nanolay ay ang ‘Gaddang creator and culture hero; Onos ay diyos ng mga bagyo at delubyo, at ang Puwok ay ang Ifugao na diyos ng mga bagyo.
Ang pangalan ng bagyo ay hindi na ginagamit pa kapag ang pananalasa nito ay direktang nagdulot ng hindi bababa sa 300 pagkamatay o P1B pinsala sa agrikultura at imprastraktura.
Hindi naman papalitan si Carina, dahil hindi ito direktang nakaapekto sa bansa.
Gayunpaman, ang paglakas nito ng southwest monsoon o habagat ay nagresulta sa 40 naiulat na pagkamatay at higit sa P10B pinsala.