Arestado

Wanted na OFW arestado ng AVSEGROUP paglapag sa NAIA mula Singapore

37 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng PNP Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) at Criminal Investigation and Detection Group ang kararating lang ng OFW sa Ninoy Aquino international airport NAIA terminal 3 mula Singapore.

Base sa report ng PNP Aviation security group ang akusado na hindi pinangalanan na residente ng Parañaque City ay pinaghahanap mula pa noong 2016.

Nag ugat ang pag aresto sa suspect dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni presiding judge karen Matti Sy, ng National Capital Judicial Region, Metropolitan Trial Court, Branch 19, para sa Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries.

Ang nasabing akusado ay inilipat sa CIDG-ATCU sa Camp Crame para sa dokumentasyon at karagdagang legal na paglilitis.

Binigyang-diin ni PNP AVSEGROUP director PBGen Christopher N. Abrahano, na nanatiling nakatuon ang PNP sa pagtataguyod ng hustisya at pamantayan sa pagpapatupad ng batas.

Samantala Php2,000.00. ang piyansang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng naturang akusado. Ni JOSEPH MUEGO