Cayetano Cayetano sa Volleyball Men’s World Championship Philippines 2025.

‘Win-win’ para sa bansa ang pagdaraos ng FIVB: Cayetano

212 Views

IPINUNTO ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Sabado ang kakayahan ng sports na baguhin ang isang bansa, hindi lamang sa paglilinang ng pagkakaisa sa mga tagasuporta nito kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng turismo.

“Hindi natin dapat bale-walain na ang sports, lalo na kapag hosting, nakakapag-unite sa atin. We need events like this because win-win (situation) ito,” wika niya Cayetano, na nagsisilbi bilang chair ng Local Organizing Committee (LOC), sa isang panayam sa media matapos ang Drawing of Lots para sa Volleyball Men’s World Championship Philippines 2025 na gaganapin sa bansa sa susunod na taon.

“Ang daling sabihin na hu‘wag gawin ito,’ but sports is something that we can really use for transformation,” dagdag niya.

Binanggit din ng senador, na siya ring Chairman Emeritus of the Philippine National Volleyball Federation (PNVF), ang kakayahan ng sports events tulad ng FIVB na magbuklod ng mga tao lalo na’t ang volleyball ay patuloy na sumisikat sa bansa.

“Volleyball is a community, it’s growing, and it’s a good seed. One way for us to honor God and build communities is to support all of these competitions all around the world, and to support not only the athletes but the people behind the athletes,” wika niya.

Binigyang diin din niya ang mga benepisyo ng pagho-host ng mga international events, lalo na ng nalalapit na volleyball championship na inaasahang magbibigay ng mga oportunidad para sa bansa.

“We’re hoping that this will give so much opportunities for the country because there are eight hundred million fans worldwide and ilang percent diyan ang mahilig manuod ng live. So even sa tourism, kahit saan mo tingnan, ay win-win (situation tayo),” wika niya.

Sa opisyal na pagsisimula ng countdown para sa FIVB, hinikayat ni Cayetano ang mga international fans na bumisita sa Pilipinas at ipinaabot ang pasasalamat sa kanilang pagsuporta sa volleyball.

“On behalf of the Filipinos, you’re welcome to the Philippines, and thank you very much,” wika niya.