Calendar
Wish ni Madrona para sa DOT: Tourist Rest Area pa more
๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ง ๐ฅ๐ฒ๐๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ (๐ง๐ฅ๐) ๐ฝ๐ฎ ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฒ.
BILANG chairman ng House Committee on Tourism ito ang “wish” o kahilingan ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona para sa Department of Tourism (DOT) matapos na muli na naman madagdagan ang Tourist Rest Area (TRA) na isang “pet project” ng ahensiya sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Maria Christina Garcia Frasco.
Ayon kay Madrona, paunti-unti ay padagdag ng padagdag ang mga ipinatagong TRA sa iba’t-ibang lalawigan lalo na sa mga lugar na malimit na dinadayo ng mga lokal at dayuhang turista gaya ng Bicol makaraang magtayo dito ng TRA kasunod ng ginawang inagurasyon ng TRA sa Ilocos Norte ang balwarte mismo ng pamilya Marcos.
Ang tinutukoy ng kongresista ay ang bagong tayong TRA sa Tobacco City, Albay sa lalawigan ng Bicol kung saan naisakatuparan ang nasabing proyekto matapos mabuo ang kasunduan sa pagitan ng Tourism Department at Tobacco City sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cielo Krisel Lagman.
Dahil dito, optimistiko si Madrona na dahil sa magandang performance ni Secretary Frasco marami pang mga TRAs ang maipapatayo ng DOT hindi lamang sa Ilocos Norte at Tobacco City. Bagkos sa ibang mga lugar sa Pilipinas na may mga magagandang tanawin gaya ng Bohol, Cebu City, Olongapo Zambales, Pangasinan at sa kaniyang sariling lalawigan, ang Romblon na may mga magagandang beaches o karagatan.
Muling ipinaliwanag ng chairperson ng Committee on Tourism na napakahusay ng konsepto ng DOT sapagkat nais lamang nito na maging komportable at kombinyente ang paglalakbay ng bawat turista lokal man o dayuhan sa pamamagitan ng kompletong “amenities” na tinataglay ng bawat TRA.
Sabi pa ni Madrona, kumpleto ang mga amenities ng mga ipinatayong TRA sapagkat mayroon itong malinis na palikuran (CR), charging stations, relaxing lounge area at lugar para sa mga Persons With Disability (PWDs).