WNCAA Ang mga WNCAA officials, sa pangunguna nina WNCAA chairperson Maria Vivian Perea Manila at WNCAA president Juanita Alamillo ng Centro Escolar University.

WNCAA Season 55 opening matagumpay

160 Views

MATAGUMPAY ang naging pagbubukas ng ika 55th season ng Women’s National Collegite Athletic Association (WNCAA) nitong Sabado, September 14 sa Assumption College sa Antipolo.

Inihayag ni WNCAA chairperson Ms Maria Vivian Perea Manila ang malugod naman pagtangap ni WNCAA president Juanita Alamillo ng Centro Escolar University sa bagong season at umaasa na muling makakahubog ng mga batang manlalaro na may kakayahan makalaro sa malalaking liga.

Ipinagmamalaki din ng WNCAA si golfer. Bianca Pagdanganan na produkto ng Assumption College Makati.

Si Pagdanganan ay kumatawan sa bansa sa nahalipas na Paris Olympic kung saan nagtapos siya sa ika-apat na puwesto.

Isa rin sa maipagmamalaki ng WNCAA si Gilas Pilipinas women’s basketball player na si Janine Pontejos na nagmula naman sa CEU.

Ang tema ngayong taon ng WNCAA ay “Championing and Empowering Women in Sports.”

“Handa na kami para sa season na ito. Inaasahan namin ang mga laro na puno ng aksyon para sa mga kababaihan habang ipinagdiriwang namin ang isa pang taon ng WNCAA,” pahayag ni Alamillo.

Mula sa anim na teams nung mag simula ang WNCAA sa taong 1969, meron na ngahon na16 na member-schools ngayon taon kabilang ang paglahok ng UST-Angelicum at University of Makati.

Ang iba pang member’schools ay Assumption College Makati, Assuption Antipolo, St Scholastica College (Manila), Miriam College, Dela Salle-Zobel, Dela Salle-Antipolo, San Beda College-Alabang, Philippine Women’s University, St Jude Catholic School, St Stephen High School, St. Paul College Pasig, Chiang Kai Shek, College, University of Asia Pacific at Centro Escolar University .

Ngayon semester, magpapaligsahan ang mga member-schools sa basketball, volleyball, futsal at cheerleading

Sa susunod na semester naman ang chess, swimming, badminton, taekwondo, poomsae, table tennis, streetdance at 3×3 basketball. AA