Calendar
Women in sports, pinuri nina Juico, F2 players
BINIGYAN ng pagkilala ni three-time Quezon City Councilor at leading women sports advocate Mayen Juico ang patuloy na pag-angat ng mga kababaihan sa iba’t ibang sektor ng lipunan, lalo na sa larangan ng sports.
Tinukoy ito ni Juico sa kanyang pagdalo sa nakalipas na E. Rodriguez Jr. High School Alumni Sportsfest 2023 sa Barangay N.S. Amoranto covered court sa Malaya St., Quezon City.
Inihayag pa ni Juico, na anak ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Philip Juico at kapatid ni incumbent councilor Joseph Juico, na nararapat na samantalahin ng mga kababaihan ang mga oportunidad na naibibigay sa kanila ngayon, na hindi naipagkaloob nung nakalipas namga panahon.
Inanyayahan din niya ang lahat na mga alumni-participnts na magsilbing magandang halimbawa sa mga kabataan sa patuloy na paglahok sa sports at pag-iwas sa anumang masamang bisyo.
Kasama ni Juico na dumalo sa naturang sportsfest ang mga volleyball stars na sina Ivy Lacsina at C.J. Woo ng five-time PSL champion F2 Logistics Cargo Movers at PBA coach Bonnie Tan ng NorthPort Batang Pier.
”Thank you E. Rodriguez Jr. High School Alumni Spors Club for inviting us. It is always a blessing to be able to inspire others and at the same time be inspired by them,” pahayag din nina Lacsina at Woo,
Nakisaya din sina dating ERJHS Alumni Association president Jess Asistin, Lt. Col Mike Gomez ng Manila Police District, Lina Torres ng Batch 62, Roberto Castor Rover Scout head Fe Castor-Pangan at ERJHS head teacher Marbin Pelayo, na kumatawan kay School Principal Gina Labor Obierna.
Si Barangay N.S. Amoranto chairman Ato de Guzman ang nagbigay ng welcome remarks, habang si ERJHS Alumni Sports Club president Ed Andaya ang nagpakilala sa mga panauhin.
Napili naman si Jean Wenceslao ng Batch 89 bilang Ms. ERJHS Alumni Sportsfest 2023. Ginawaran siya nina ASC vice-president Imee Gines at Barangay Paang Bundok chairman Lawrence Tiglao.
Ang mga piling ERJHS students sa pamamahala ni Dante Ballesteros ang nagbigay ng intermission number, habang si ASC adviser Zeny Castor ang pormal na nagbukas ng kumpetisyon.
Masters of ceremonies sina Ramon Ypil ng Batch 84 at Jesse Nell ng Batch 85.