Erwin Tulfo

Work from home program, ride sharing para makatipid manggagawa ngayong krisis — Erwin Tulfo

65 Views

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga gasolinahan, mungkahi ni Sen. Erwin Tulfo na ibalik muli ang work from home program ng mga pribadong kumpanya at pamahalaan para makatipid ang mga manggagawa.

Suhestiyon ni Sen. Tulfo, “Kung hindi naman kailangan ang pisikal na presensya o aktibidad ng manggagawa sa trabaho, bakit di na lang magreport online?”

Aniya, “Halimbawa ang mga nasa opisina sa planning, research, admin, customer service at iba pang kahalintulad na trabaho ay pwede na mag-work from home.”
Nagawa naman ito noong pandemic at epektibo naman daw maging ang pagtuturo sa mga mag-aaral noong panahon ng covid ay online.

“Maging ang medical consultation at check-up nagawa sa online ng mga doctor noong pandemic. Bakit hindi gawin na naman ngayon?,” tanong ni Tulfo.

“At kung kailangan ang presensya sa trabaho tulad sa manufacturing, hotel at restaurant, o sa ospital pwedeng isang sasakyan na lang ang mga magkakatrabaho at hati-hati na lang sa gas,” dagdag pa ng mambabatas.

Maaari din daw magbook ang mga magkaka-opisina sa ride hailing app at hati-hati na lang sa pamasahe.

“Napapansin ko na tila dumarami ang stranded na mga pasahero sa lansangan these days dahil kumukonti ang mga bumibiyahe na puvs dulot ng mahal na presyo ng petrolyo”, pahabol pa ni Tulfo.
“With these steps that we have tried before makakatipid ang mga manggagawa,” anang mambabatas.