olympics

World Slasher Cup sa Big Dome

616 Views

MULING magbabalik ang pinakaaabangang World Slasher Cup, ang itinuturing na “Olympics of Cockfighting”, sa Smart Araneta Coliseum mula Jan. 26 hanggang Feb 1.

Inaasahang lalahok ang mga premyadong local at international cockers sa prestihiyosong 9-cock invitational derby, na pormal na inilunsad sa Novotel Manila Araneta City nitong Sabado, Jan. 21.

Ilan sa mga tampok na kalahok sa pitong araw na sagupaan ay sina 2022 WSC defending champions Roel Facundo, B. Joson, at J. Bacar of D’Shipper/BBB; at Nyok, Tony, at Engr. Canlas ng Guagua Cockpit 1.

Hahatiin ang nasabing 9-cock invitational derby sa pitong araw: two-cock elimination round sa Jan. 26 at 27; three-cock semifinals sa Jan.28 at 29; four-cock pre-finals sa Jan. 31; at four-cock grand finals sa Feb.1.

Ang World Slasher Cup ay unang ginanap sa Smart Araneta Coliseum nung
1963.
Simula nun, lagi na itong ginagawa sa Big Dome hanggang ngayon na maituturing na ito na pinakamalaki at pinaka-nirerespetong international cock derby, na nilalahukan ng mga magagaling na breeders at cockfighters mula sa iba’t- ibang bahagi ng mundo

“We are very excited to welcome fans of cockfighting back to the Smart Araneta Coliseum for the WSC. Since it began, the WSC has always been held at the Big Dome, and cockfighting fans have been watching the spectacle unfold here for almost six decades,” pahayag ni Irene L. Jose, COO ng Uniprom Inc., na siya ding entertainment arm ng Araneta Group.

“But more than that, cockfighting is a sport that is deeply rooted in Filipino tradition, and the WSC is, in a way, a celebration of this very important aspect of our culture,” dugtong pa ni Jose.

Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa first edition ng 2023 WSC, bumisita sa https://www.world slashercup. ph. AA