Xyriela nd Zaijan Larawan mula sa IG/@zaigj at @xyrielmanabat_

Xyriel inokray si Zaijian: ‘Dumi ng mukha mo araw-araw’

174 Views

NAKIPAG-BARDAGULAN ang young actress na si Xyriel Manabat sa kanyang celebrity friend na si Zaijian Jaranilla.

Sa latest Instagram post ng aktor, ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan balot ng putik ang kanyang buong katawan maging ang mukha nito.

“Golden Hour. Pero maputik,” sey ni Zaijian sa caption ng kanyang post.

Hindi naman napigilang mang-asar ni Xyriel sa comment section ng nasabing post.

“Hala ang dumi naman ng muka mo… araw araw,” hirit ng young actress.

Parehong mapapanood sina Xyriel at Zaijian sa seryeng ‘Senior High’ kasama sina Andrea Brillantes, Elijah Canlas, JK Labajo, at iba pa.

Nagbigay reaksyon at komento rin ang ilang netizens sa putikang mukha ni Zaijian.

“Grabe parang kukunin ni bro.”

“Oki lang kahit madumi ka mahal parin kita.”

“Santino ang pogi mo kahit maputik ka haha.”

“Anyare sayo Zai. Naligo ka sa putik. Pero litaw pa din ang kagwapuhan mo.”